Indie Ka Nag-Iisa

INDIE KA NAG-IISA

Kapag sumapit ang Pebrero, bigla na lamang magsusulputan ang mga tindahan ng bulaklak, sale na tsokolate at mga promo deals na dinner for 2. Pati ang mga motel ay siguradong fully booked agad. Buwan ito ng mga may kabiyak ang puso. Pero pano naman ang mga strong independent individual na piniling mag-isa?

Dahil dito, naisip ng Eye Know Right na ngayong taon ay basagin ang tipikal at tradisyonal ng klaseng pagdiriwang. Ngayon, ipagdiriwang naman ang kasarinlan ng mga indibidwal. Binuo ng Eye Know Right ang isang kaganapan na may pamagat na, “Indie ka Nag-iisa” para imbitahan ang lahat na makiisa at suportahan ang local indie scene.

Ang Indie Ka Nag-iisa, kagaya ng nabanggit, ay may layuning iparamdam sa bawat indibidwal na hindi sila kailanman mag-iisa. Anib-pwersa itong binuo kasama ng buong tropa—ang Radio Manila, Indie Manila at ang Support your Local Indie. Dahil ang Eye Know Right ay isang tatak na magbibigay ng suporta sa kanila sa likod at labas man ng eksena. Kagaya na lamang ng suportang ibinibigay nito sa mga kapatid natin sa sining.

Narito ang mga brader nating banda na sinamahan tayo para Indie tayo mag-isa.

 

CARLOS CASTAÑO

RUN DOROTHY

ONE CLICK STRAIGHT

BOPEK

MAYONNAISE

AUTOTELIC

Hindi lamang ito isang gabi ng kasiyahan dahil kasabay nito ay ang paglunsad ng isang makabuluhang kampanya na tatalakay sa mga tunay at mas malaking kwento ng mga artists. Ito ang Side-B Naman.”

Sa hakbang na ito, mangangahas ang Eye Know Right na ipakilala ang sining at ang mga alagad nito sa mas malalim na paraan.

Iparirinig nila ang kabilang bahagi ng kuwento para magbigay inspirasyon sa nakararami na pinipiling ibigin ang kanilang sining.

Sa pamamagitan nito, mailalahad natin na ang kwentong hindi pa naririnig o nabibigyang pansin.

Ito ang malaking pagtatangka ng Eye Know Right para mas maibigay ang buo at tunay na suporta sa mga artist, at kung sinuman sila kapag patay na ang spotlight.

Dahil nagsama-sama tayo dito, Indie na tayo kailanman mag-iisa. Simula pa lamang ito.

PERFECTION DOES NOT STOP BELOW

CUSTOMER TESTIMONIALS

MORE SOCIAL PROOFS

I super duper love the item! On a scale of 1-10 for satisfaction I will give this company a rate of 10😉. Shadies from this shop are worth to buy as a personal and gift for your loved ones. Till next transaction!

Gem April

Thanks Eye Know Right Shadies . The Bully in Black is enjoying the desert in Qatar!

Denn Mark Ramos

 

Thanks Eye Know Right Shadies, we got this 2nd trans right at our doorstep. :D (1st trans we ordered 4 shades also, for a total of 8 shades already). Thanks Guys! #viaCOD   #laguna   #smoothtransactions

Mhey Bagalso

Stylish and dependable. Exceeded my expectations. Definitely worth it. Fast Delivery. Ginormous two thumbs up!!! Expect another order soon. Thankies EKR peeps for the rad shadies!

Rating:   10/10

Lau Rence


Older Post Newer Post